Blog Archive

Wednesday, April 24, 2013

Beauty Shot

Making someone beautiful is not an easy task. But it is fulfilling once you captured that moment where in your subject is at her natural beauty.
It just like taking a landscape. You are waiting for the right moment to click the shutter.

Emotion, attitude and natural beauty will capture that perfect shot.






Tuesday, April 17, 2012

bolpen at notbuk

maraming mga kwento ang aking nabubuo sa aking isip.
habang naglalakad, nag mamaneho,

minsan habang nakatitig sa isang bagay o tao
hindi nila namamalayan nagawan ko na sila ng kwento.


naalala ko nung ako'y istudyante pa lamang.
habang ang guro ay nagtuturo.
habang ang lahat ay nag ddrawing

ako'y nag susulat nag susulat ng mga kwentong gawa gawa sa aking isipan.


bolpen at papel
bolpen para walang burahan sabi nga nila "touch move".
papel para pagtapos ng klase pwede ko ng itapon sa basurahan.
Opo itinatapon ko lamang ang aking mga isinusulat.



nauso ang mga cellphone.
kowts, jokes, mga korning mensahe
pero kagaya ng dati hindi ko pinapadala.
sayang di ba?


nauso ang mga camera.
meron na naman isang paraan para aking ipakita ang likot ng aking pag-iisip.
nung una ang sabi ko para sa akin lang ang mga letrato.
sinubukan kong ipakita sa iilan at kanilang nagustuhan.


eto po ako ngayon sinusubukan ipakita ang halo halong kalikutan ng aking pag-iisip
letrato + istorya = natatagong damdamin.

...photostories

Saturday, August 6, 2011

kabilugan at pulang eklipse

Hindi ko lubos maisip na aking makukuhanan ang buwan.
Sa layo ba naman nito, hindi ito maabot ng aking mga kagamitan.
Akin pong ishashare ang aking mga karanasan sa pagkuha ng buwan.

Dalawang beses ko na binaril at sinubukang abutin ang buwan.
Ito na ang katuparan ng kasabihan na
"aking aabutin at ibibigay ang buwan, mapasa akin ka lamang"

Unang beses kong tinangkang kunan ang buwan.
Kabilugan ng buwan nung gabing iyon.

Na banggit ng aking kaibigan na ilang gabi na nyang sinusukang kunan ang buwan.
Aking sinubukan. Sampung Tira. Sabog lahat ang ilaw.
Dahil una kong naisip dahil madilim dapat ang settings ko eh pang madilim.
Mali pala dapat ang maliwanag dahil maliwanag na ang buwan.
Kaya nung kunan ko ang eklipse na nangyari kakailan akin ng natutunan paano ito kunan.

eto ang aking mga kuha sa una at pangalawa kong pag tatangka.





Eclipse


Monday, July 11, 2011

Lumang Sasakyan

Madaming akong mga letratong nakukunan habang ako'y naghihintay.
Kadalasan ang aking mga paboritong letrato ay aking nakukuha ng hindi ko inaasahan.
Eto ang isang letrato ng tatlong trak na pandeliber ng inumin. Sa larawan na ito ating mapapansin na luma na itong mga ito. Sa katunayan ang gitnang sasakyan ay hila-hila ng malaking trak habang ito ay inaalalayan ng isa pang maliit na trak.

Meron akong mga mumunting kwento na pwedeng maiugnay na sa sasakyan ito.

Unang una ako ay adik sa Coke na tipong pinapalitan nito ang dapat sana'y tubig na aking ininumin sa pang araw-araw. Alam ko ito ay masama para sa aking kalusugan. Kaya aking sinusubukan ito ay bawasan.

Pangalawa sa aming barangay halos lahat ay nangarap na makapag trabaho sa kumpanya ng Coke na malapit lang sa amin.
Sino ba naman ang hindi ma eengganyo kapag ang iyong pagttrabahuhan ay tanyag sa buong mundo.

Maliban dito naging saksi rin ang mga truck na ito sa pag angat sa buhay ng ilan naming kapamilya.
Nagsimula sa simpleng ahente hangang naging bise presidente ng kumpanya para pangasiwaan ang Sales Department.
Ang isa naman ay naging negosyante ng dahil sa naiipon nya bilang pagigigng ahente. Naka pag simula sya ng kanyang mga negosyo.

Simpleng mga bagay na araw araw nating nakikita at binabalewala pero ang dulot nito sa ibang tao ay kaligayahan at pag asenso sa buhay.

Tuesday, July 5, 2011

Sayaw Sam

sa buhay ng mga naghihintay madalas nakakagawa tayo ng mga bagay na nakakatuwa...
isang araw ng linggo habang kami ay nag hihintay sa ama ng aking inaanak eh napagtripan ng bata na sumayaw...
sakto dala ko ang aking camera para makunan ng letrato ang bawat galaw ng bata...

eto ang iilang moves na pinamalas ng aking inaanak...



FIRST MOVE... Pray FIRST before you do anything...


the opening pose

Cramping

Popping and locking

Old School Steps

Giligit Moves

DON'T FORGET THE FACIAL EXPRESSIONS AFTER THE DANCE...


the yabang looks



My FAVORITE

Saturday, June 11, 2011

the kid in me

sa mata ng mga bata lahat ay parang laro.
hindi pa nila alam kung anong ibig sabihin ng salitang seryoso.
kapag kumukuha ako ng letrato ng mga bata pinapabayaan ko lang silang maglaro.
hangga't maari gustong kong makuha ang pagiging bata nila.

kaso madalas ang mga magulang nila ay excited na makunan ang mga anak nila
gusto nila lagi ay naka posing ang mga ito.
para sa akin hindi ito mabibigyan ng tamang kahulugan ang larawan ng kanilang pagkabata.
As much as possible i want to capture their innocent moments.

anyway eto ang mga iilang kuha ko ng mga bata sa kanilang natural na emotions.


the happy celebrant 
 



huwag kang malikot


sunod-sunuran


giligit




Noicey Love



ginaw sa tag-init


talon, lukso, lundag


Luksong Bading

Sunday, June 5, 2011

tunay na ginto




Lahat ng tao ay mayaman
Yaman na kay hirap makamtan
Lahat ng tao ay mabait
Bait na minsan ay dinudumog ng pait
Lahat ng tao ay may karapatan
Karapatan na madalas ay natatapakan
Lahat ng tao ay may kapintasan
Kapintasan na madalas pagsamantalahan

Ang daming bagay na nilikha ng tao
Mga bagay na hindi alam pano mapaglalaho
Dulot nito ay basura sa mga nakakarami
Pero sa iba ito ay mapagkukunan ng salapi


ang dami ng nasulat laban sa kahirapan
laban na hanggang ngayo'y hindi mapagtagumpayan
kahirapan hindi lamang sa salapi
pati sa iba pang paraan, lalo na sa pang aapi

lahat ng tao ay may kakayahan
kakayahang labanan ang kanilang pinagdadaanan
ang iba ay dinadaan sa paglilibang
pero sa mga salat sa yaman ngiti lamang ang kanilang panlaban


Followers