habang naglalakad, nag mamaneho,
minsan habang nakatitig sa isang bagay o tao
hindi nila namamalayan nagawan ko na sila ng kwento.
naalala ko nung ako'y istudyante pa lamang.
habang ang guro ay nagtuturo.
habang ang lahat ay nag ddrawing
ako'y nag susulat nag susulat ng mga kwentong gawa gawa sa aking isipan.
bolpen at papel
bolpen para walang burahan sabi nga nila "touch move".
papel para pagtapos ng klase pwede ko ng itapon sa basurahan.
Opo itinatapon ko lamang ang aking mga isinusulat.
nauso ang mga cellphone.
kowts, jokes, mga korning mensahe
kowts, jokes, mga korning mensahe
pero kagaya ng dati hindi ko pinapadala.
sayang di ba?
nauso ang mga camera.
meron na naman isang paraan para aking ipakita ang likot ng aking pag-iisip.
nung una ang sabi ko para sa akin lang ang mga letrato.
sinubukan kong ipakita sa iilan at kanilang nagustuhan.
eto po ako ngayon sinusubukan ipakita ang halo halong kalikutan ng aking pag-iisip
letrato + istorya = natatagong damdamin.
...photostories
No comments:
Post a Comment